Ang buhay ng tao ay kawangis ng isang tunnel, ng isang underpass. May mga matutuwid, makikipot, madilim, maaliwalas, makulay, mabaho, maligalig at higit sa lahat may mga underpass na animoy salat sa karangyaan ngunit hindi nababagay sa kinalalagyan. Katulad ng isang underpass, ang buhay ng tao ay nagsisimula sa isang lagusan. Lagusan na naging daanan sa lahat ng taong gustong makita ang daigdig sa kabilang dimensyon at butas na naging dahilan ng pagiging sakim, makasarili, makasalanan at pagkakaroon makamundong ugali. Aminado tayong sa bawat paglalakbay, magkahalong emosyon ang ating nararamdaman. May takot na maligaw at madapa. Takot na baka mali ang daan na ating tinahak. Meron din namang excitement. Excitement sa mga posibilidad na pwedeng mangyari sa isang paglalakbay. Paglalakbay na hindi maaring magdala ng kasama. Paglalakbay ng mag-isa, sa buhay na gusto nating marating.
Natuto tayong tumihaya, gumapang, umupo, tumayo hanggang sa natutunan nating maglakad sa sariling mga paa. Nagkaroon tayo ng tapang na gawin ang ating gusto. Ninais nating lumipad at maabot ang kalawakan. Subalit ating napagtanto na hindi pala natin kayang mag-isa. Kelangan natin ang mga taong ating makakapitan sa twing tayo’y nangangapa sa paglalakbay. Kelangan natin ang ating pamilyang naging sandalan sa twing tayo’y may pangamba. Sa bawat hakbang ng ating mga paa, sa bawat pagbaba ng ating mga talampakan, may mga desisyon tayong isinasaisip. Desisyon na nagiging makabuluhan upang tayo’y makalabas sa ating pinasukan. Gaano man kahaba ang mga hagdang ating kelangang malampasan, kayang-kaya ito sa tulong ng isang hawakan upang hindi tayo masubsob, malaglag at mabigo sa ating nais makamit. Nariyan ang ating mga kaibigan, pamilya at higit sa lahat ang poong maykapal na syang nagsilbing gabay kahit gaano pa kataas ang bundok na ating aakyatin.

Subalit may mga panahong wala tayong karamay. Walang matakbuhan sa oras ng pangangailangan. Walang tao na pwedeng lapitan. Kelangan mag-isa ka lang. May mga panahong naunahan tayo ng takot sa ating mga dinadaanan. Mga panahong wala tayong choice kundi ipagapatuloy ang ating buhay ng mag-isa ng walang tulong kanino man. Subalit gaano man kapatang ang ating sikmura, hindi pa rin ito kasiguruhan ng tagumpay.

Tuloy pa rin ang ating paglakbay ano man ang hadlang at pagsubok na dinadaanan. May mga pagkakataong kailangan nating magpahinga, magmuni-muni at tumingin sa ating pinanggalingan. Naroon ang mga panahong tinatakpan ng kadiliman ang lahat na pwede nating mapagkukunan ng lakas. Mga panahong pilit na sinusubok ang tatag ng ating pagkatao at dedikasyong magtagumpay. Pero patuloy pa rin ang ating paniniwala sa ating sarili.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang laban. Magkahalong emosyon ang ating nararamdaman. May takot at excitement. Makipot at minsan madulas ang ating nilalakaran. Walang ibang malusutan kundi tanging dulo lamang nitong paglalakbay. May panahong may biglang susulpot sa ating harapan at pilit tayong tinutukso para mabitawan ang ating pinanghahawakang lakas. Lakas na syang tanging sandigan upang malampasan ang mga hadlang. May mga pagkakataong liko-liko ang ating madadaanan. Dito tayo nagkaroon ng takot at pangamba. Takot na sa biglang liko ay bka hindi natin maipagpatuloy ang ating nasimulang landas. Sa biglang liko, maari tayong madapa, masaksak, mahulog o di kaya’y mabuntis. Gayunpaman, kailangang panindigan natin ang bawat desisyon na ating gagawin..
Ilang beses man tayong madapa at tumayo sa kinalulugmukang putikan, ugali nating mga pinoy na tanggapin ang kalagayang nakatadhana sa atin. Pero patuloy pa rin ang ikot ng bola. Gaano man kahirap ang buhay, tumaas man ang lahat ng bilihin, maging positibo tayo sa ating pananaw sa buhay. Ang importante, pahahalagahan natin ang kung ano man meron tayo. Gawin nating sandata ang mga karanasang nagpaiyak sa atin. Ang mga karanasang muntik ng magpasuko sa atin upang ipagpatuloy ang buhay..
After all, there’s always light after the tunnel. Unless that tunnel has dead ends!
Posted in geisha moments, geisha's paranoia | Tagged ayala, underpass, life | 4 Comments »
So much for bitterness and all that stuff! Ayokong pag aksayahan ng brain cells and mga taong walang kwenta! Yoko ng negative vibes!
Natapos na rin ang mga araw ng pagpapakalasing, pagyoyosi, pagtulog at walang tigil na puyatan. Tinalo ko pa nito ang may nakaburol at may kasaling saklaan! Ramdam ko na ang usok ng sigarilyo sa aking baga at ang epekto ng beer sa paglobo ng aking tiyan.
Kung dati 24 ang aking waistline ngayon 32 na sya! Hindi na rin kasya sa akin ang mga victoria secret panties na bigay ng “maykapal”. Panahon na siguro para itapon ko yun.
Sa awa ng dyos, nakapag celebrate ako ng birthday kahit kapos sa budget. Breakfast with PinayPsycho and some officemates at Carafe and dinner at Seafood Island sa Eastwood with my close friend July who is also celebrating his birthday three days after mine. Tagal na rin kaming hindi nagkita. At pag nagkita man, isang oras lang ang pinakamatagal. Am glad we had talked for awhile and reminisce the experiences we had before about school, studies, career, sex and boys!
Nakakamiss ang aming mga karanasan. Hindi na namin pwedeng ulitin lalo’t wala na ang isa sa cast ng aming friendship. Mga totoong tao. Sarap mahalin!
Thank you nga pala sa lahat ng bumati at nakisaya sa aking kaarawan. The past year has been a roller coaster ride for me. I wished this year would be a good slide in terms of career, health and lovelife! Naman! Ayokong maging single for life!


And by the way Taps, here is my doggy with the reigning queen of bestiality CLio. hehehhhe :lol:
For every man, woman and child!
Hanggang sa muli!
Posted in geisha moments | Tagged birthday, clio, july, pinaypsycho | 11 Comments »

May mga karanasang nais nating kalimutan, nais nating ibaon at higit sa lahat nais nating mabura sa ating kaisipan! Ito ang mga karanasang nagdulot ng matinding sakit, pighati at sugat sa ating mga puso’t damdamin. Subalit may iilang sugat na nagturo sa atin upang lumaban at maging matapang sa buhay, maging mapagmatyag, maingat at dasal na sanay hindi na maulit ang karansang nagdulot nito.
Makailang beses na ring naging takbuhan ng mga taong tinuring kong kaibigan ang aking kwartong inuupahan. Sa twing wala silang matulugan, gustong magkaroon ng karamay sa problema, nagsisimula ng bagong buhay at naghahanap ng trabaho sa Manila. Tinaggap ko sila bilang tao, pinalamon, tinulungan kung pano mag commute, sumakay ng jeep at mrt, at hinatid sa pier at airport. Ang pagkakaroon ng utang na loob ay isang mabuting ugali subalit madalas naabuso ito ng Pinoy at nagiging sanhi ng kasamaan. Wala akong hinihinging kapalit sa tulong ko. Ginawa ko iyon dahil naranasan ko ring mangapa at maligaw sa mga pasikot-sikot dito at higit sa lahat dahil may maitutulong ako. Hindi ko pinagkaila iyon. Saksi ang aking kwartong naging lugar ng iyakan at tawanan.
Subalit may mga taong hayup ang asal. Yung tipong pagkatapos mong subuan, pati siko mo ay kinain. Mga taong pagtalikod mo ay sinisiraan ka at sinasaksak ka ng samurai sa likod. Mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Sa pag-aaral ko ng psychology, hindi na bago sa akin ang ganitong ugali. Laking pasalamat ko na lang na pinalaki ako ng mga magulang ko ng maayos at may takot sa diyos. Pinalaki kaming magkakapatid ng matiwasay at kailanman ay hindi naranasang manggamit ng ibang tao para lang magkalaman ang tyan at mabili ang luho sa buhay. Hindi kami naghahangad ng lechon kung ang nakahain ay tuyo!
Gayunpaman, hangad kong maisip nila na ang kanilang ginagawa ay masama. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Hindi ko man mabago ang kanilang ugali, pinagdarasal ko pa rin na maging totoo silang tao. Hindi ako nagmamalinis at lalong hindi ako nagmamaganda (dahil maganda na ako). I knew from the very start that I can’t please everyone.
Pero sana man lang kung mandaut ka, siguraduhin mong hindi makakarating sa aking tenga ang mga salitang walang katotohanan at pawang pagpapaawa lang para tanggapin ka ng ibang tao.
You just don’t realized the troubles you’ve caused me! And one more thing, kahit ang pagkakaibigan ay pwedeng ring ibaon sa limot!
Your attitude sucks! It belongs to the forest where the basic instict is to kill!
Posted in geisha's paranoia, rants | Tagged attitude problem, j, m, traydor | 5 Comments »
Malakas ang hanging amihan. Nagngangalit, humaharurot. Kasabay ng pagbugso ng hangin at ang pag-ambon ng kalangitan mababanaag ang sikat ng araw na dala’y pag-asa at liwananag sa pusong tigang at uhaw sa init at yakap ng haring araw.
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng orasan, ng mundo sa kanyang aksis.
Mainit na ang umaga. Paakyat na ang araw. Kasabay nito’y paglawak ng kamulatan sa mundo habang unti-unting nagliwanag ang buong paligid. Mababanaag ang larawan ng tunay na buhay. Maraming naghihikahos, nagdadalamhati, hampaslupa at naghihirap. Walang kinakain, walang matirhan, animo’y walang bukas na naghihintay. Bagaman nagsusumikap, patuloy pa rin ang kanilang paglubog, pagbagsak at pagbaon sa putikan samantalang ang iilan ay nakahilata, nag-aaksaya ng salapi, nagpapakabusog at patuloy na nagsasayang sa buhay na biyaya ng maykapal.
Hindi pa rin mapigil ang pag-ikot ng mundo.
Habang umaangat ang sinag ng araw ay ramdam na ang bagsik ng nito. Ang dati’y minamahal sa kanyang gintong silahis ngayo’y sinusumpa sa balat pag dumampi. Hindi na lingid sa lahat ang kanyang paghihiganti. Ang kanyang paghihimagsik sa mga taong dati’y tinulungan nya. Init na nakakahimatay, nakakasulasok at nakakauhaw. Hangad ng lahi ni Adan na may masilungan sa init na dala nito subalit maging ang kalikasan ay sumasabay na rin sa paghihimagsik ni haring araw. Nagbabadya ng matinding takot sa sansinupol. Nagbabadya ng baha, bagyo, pagkamatay at lindol!
Magtatakip silim na.
Umaalingawngaw na ang mga kulisap at ang mga manok ay nagsagutan na sa pagtilaok. Malamig na ang hangin. Palatandaan ng isang mapayapang gabi, mahimbing na pahinga. Subalit heto pa rin ang lahi ni Eba at naghahanap ng pantawid gutom. Sa mga pasilyo at eskinita sila nakapila sa patay-sinding ilaw at tanging kakarampot na tela lamang ang saplot sa katawan. Kawangis nila ang mga palakang bukid na nakikipagharutan sa isat-isa para dumami tuwing takip silim habang lawit ang dila para sa dumadaang kulisap upang magkalaman ang tiyan. Amoy ng pabango at dampi ng iba’t-ibang kulay sa kanilang mukha ang tanging nagpapatapang ng kanilang sikmura at nagpapakapal ng kanilang mukha para masikmura at maitaguyod ang kanilang mga “L” sa buhay.
Hatinggabi na.
Gutom pa rin si Juan. Kasabay sa paglatag ng dyaryong mahihigaan, hangad pa rin ang pag-asa at liwananag na dala ng panibagong araw. Walang kasiguruhan, walang patutunguhan! Tanging pinanghahawakan ay ang natitirang katinuan sa utak na any monument from now ay mawawala rin.
Dadami na naman ang maghahanap kay Basilio at Crispin!
Kung anu-ano na lang naiisip at nakikita ko pag panahon ng el niño! Leche!
Posted in geisha's paranoia | Tagged geisha's paranoia, global warming, poverty, prostitution, social issues | 16 Comments »

Bothered ako lately (as usual).
Hindi ko alam kung natatae ako or naiihi. I can’t even tell if i have to dump my thoughts of finding a male partner or patulan na lang ang mga stalkers kong bahog bilat. Hindi ko rin alam kung gusto kong kumain o hindi, matulog or gumala. I dunno whether to live or to die.
The last time I had this feeling was around a year ago.
Now, heto na naman sya. Parang cancer sa vas deferens na unti-unti kumakain sa aking daanan ng semilya. Nakakawalang gana. Nakakawalang libog. He he he
Pero ang totoo nyan, para lamang syang langaw na pwedeng paluin ng sandok anytime na bumabalik. Pero takot pa rin at pangamba ang aking nararamdaman.
Madadagdagan na naman ang edad ko in a week time. Siguro isa ito sa mga dahilan ng aking mga nararamdaman lately. Hina-hunting na naman ako ng gerontophobia. Takot na tanging kamatayan lamang ang makakagamot. Kelangan ko ang tapang ni LapuLapu upang malabanan ang phobiang ito dahil ayoko pang mamatay. I still have to reach my dreams and reap the fruits of my labor.
Continue Reading »
Posted in geisha's paranoia | Tagged geisha's personal encounters, announcements, geisha's shared stories, geisha's thoughts, geisha moments, Entertainment, birthday, geisha, goals, wishlist, geisha's paranoia | 27 Comments »

My colleagues were busy eating while talking to an american albino. They were actually busy introducing the strange food served on the table. The american was fascinated by the presentation of the food especially our very own kare-kare who didn’t even have an american contemporary. So the topic went to lenggua who is Spanish and later to Japanese.
Someone stupid overheard the word Japanese and butt in during the conversation with uber confidence, assuming he had a good command of the language.
“Did i heard Japanese? I can relate to that, Ni Hao Ma”
And they all lose their appetite!
Posted in Uncategorized | Tagged announcements, chinese, Entertainment, geisha moments, geisha's personal encounters, japanese, stupido, tanga, tonto | 26 Comments »
The first time I had my fair share of what they called typhoon in this tropical side of the planet was two years ago. It was when typhoon Milenyo with international codename Typhoon Xangsane hit Metro Manila on the eve of September 25, 2006.
Born and raised from the tranquility of tropical forest and the paradise-like climate of Western Mindanao, it was a definitely charged to experience for me as I face the wrath of the ever furious typhoon. Inasmuch as I would like to stay home and sleep, work had been too cruel for me. We had been following United States timeline and business hours thus regardless of local calamity, we are expected to work. BUt whenever US have Holidays and their offices won’t transact business, we are still obliged to work. Unfair isn’t it? Pesteng yawa!
Continue Reading »
Posted in geisha's paranoia | Tagged death, flood, geisha's paranoia, landslide, typhoon Frank | 10 Comments »
Hello sa lahat na aking fans!
(feeling artista!)
Pagpasensyahan nyo na…
Namiss ko lang kayong lahat. Pagpaumanhin nyo kung hindi ko naaprov agad iba nyong comments. Sa nakalipas na isang linggo, super busy po ang aking beauty. Yes you heard it right. Marami po akong bookings and show at take note naging suki po ako ng paliparang pandaigdig ng ninoy aquino. Kaya naman bago kayo mag isip ng kung anu-anong green jan, heto po ang gay’s eyeview ng aking series of shows.
Saturday (June 14) The Pampanga Gala
After severe and toxic brainstorming and deliberations kung saan gastusin ang aming napanalunan sa miss gay undas nung April, nakapag decide na rin ang Team na pumunta sa Pampanga upang makaiwas sa traffic at polusyon sa Maynila. This is courtesy of our teammate na may balak ng mag resign dahil pupunta na sya sa pluto.
Kaya naman, kahit walang tulog ang geisha ay mababanaag sa aking matang may mota ang excitement. Una dahil first time kong lumabas with our Team at pangalawa i was expecting for boylets..
Needless to say, super enjoy naman kami sa aming boodle (?) fight over banana leaf. Nag fishing with some minute tilapia at kumain ng burong kanin, lenggua, relyenong bangus, at marami pang iba! The experience is so nice! Pero sadly walang boylet. If not for the Mafa na ginawa naming pulutan..
Buti na lang at dinala ni Rosita ang kanyang pet na albino..
BUt before the actual photoshoot, here is the welcome banner on the terminal of victory liner na sadya naman talagang nakakagulat!
Continue Reading »
Posted in Uncategorized | Tagged announcements, boys, Entertainment, geisha moments, geisha's personal encounters, geisha's shared stories, geisha's thoughts, gimmik, NAIA, sex, travel | 20 Comments »
Its quite ovedue! I apologized, gomen nasai (nihonggo), desole (french), schade (german), arrependido (portuguese), and lamentable (spanish)!
But this post is not about some stupid foreign language lessons from this stupid Geisha! This is about music, titles and singerS!
But i knew it won’t be too late to post this ever difficult tag i received from my online ka-inuman!
In fairness, nosebleed talaga ako sa tag na ito! Dumudugo tenga ko sa kapapakinig ng mga musika na nababagay sa mga tanong! Beer-O deserves a slap for this and a kiss of course!
Here’s the rule: Answer the questions with song titles (your fave songs or songs that you like to play most of the times). No side comments please. Let the song titles explain your answer.
The questions and my answers:
1.) How am I feeling today?
- Dazed and Confused by Led Zeppelin
2.) Where/when will I get married?
- Bad Side of the Moon by Elton JOhn
3.) What is my best friend’s theme song?
- Didn’t We Almost Have It All by Whitney Houston
4.) What is/was highschool like?
- Through The Fire by Chaka Khan
5.) What is the best thing about me?
- Flexible by Depeche Mode
Continue Reading »
Posted in geisha's paranoia | Tagged announcements, beerO, geisha moments, geisha's personal encounters, tag | 18 Comments »
…on 6.6.08
My independence day was not celebrated with a 21 gun salute, flag at half mast and a party at Manila Hotel with foreign diplomats attending. Instead, it was unexpectedly* celebrated with an after-shift beer session, sunshine on top of the guestlist and was attended by the certified PinayPsycho, the ever supportive Mareng CLio (click here to read similar post) at isang taong pangalanan nating The Legend**. Kung bakit Legend ay inyong malalaman sa takdang panahon (chozzz). Or kung hindi ka makapaghintay, buksan ang bibliya at tingnan sa Genesis 45:12.
*Unexpected talaga. Afterall, hindi naman nila alam na may okasyon! hahahaha
Ang daming napag-usapan over two buckets of SanMig at sa tokwa’t baboy na inorder ni Psycho. Matagal din kaming naghintay ni Mareng Clio sa bruha only to find out na mag coke zero lang pala sya! Had i known na hindi sya umiinom sana pa beergen effect na lang din ako.
Iba nga talaga pag ang mga kasama mo ay mga impertinente este intilehente pala. Kahit langaw pwede gawan ng isang nakakaiyak na kwento. Pero minsan nasusukat ang katangian at kakayahan ng isang tao lalo na pag nasipa ni Roel este ng Beer pala!
Continue Reading »
Posted in geisha's paranoia | Tagged beer, clio, geisha's paranoia, pinaypsycho, rudy | 26 Comments »
Older Posts »