I was so tipsy and exhausted from work today. But because of some inevitable engagements, i have to keep my eyes open my feet strong to withstand antok at pagod. Para na rin hindi ako magmukhang sinungaling.
Kaya naman, kahit kararating ko lang sa bahay at wala pang kain, nag-abang na agad ako ng taxi kasama ang chakang si Mj para ma dispose ko na sya sa airport papuntang Japan! Halos isang oras din kaming nag-abang ng taxi sa kahabaan ng kalayaan avenue bago kami nakasakay. Dagdag pagod point for me na naging muchacho slash muchacha ng bruha!
Kulang na lang paliparin namin ang taxi sa flyover ng EDSA (na tinawag nyang overpass) para makahabol sa flight nya. 9:45 boarding time na dapat, buti na lang pinapasok pa sya ng gwardya! Pinapasok ko kaagad ang bruha sa airport at hinayaang maligaw para maiwan ng eroplano. (hehehe am bad!)
Nakahinga na rin ako ng maluwag.
At dahil sa sobrang kakuriputan, minabuti ko ng mag bus galing airport pauwi. Sa sobrang antok, hindi ko na napansin ang labas masok na mga tao sa bus papuntang cubao. Hindi ko na rin alam kung naglalaway ako or humihilik sa sobrang pagod. Sa awa ng diyos hindi ako lumagpas sa tulay!
Pagbaba ko ng bus, una ko inisip ang aking naghihimagsik na bulate sa tyan dahil sa matinding gutom! It was like africa in the making with my stomach starving plus the scorching heat of the sun and the pungent smells of kilikili ng mga timawa all over (lol)! Tinungo ko agad ang isang fastfood resto para omorder ng makakain. Subalit dahil sa hiya, tinike-out ko na lang!
Crew: Sir what’s your order?
GEisha: Burger Mcdo meal, ice tea and Go for large.
Crew: (naguguluhan at tipong nabingi sa narinig nya) ahhh ano po ulit Sir?
Geisha: (bingi ka ba or tanga?) Burger Mcdo meal, ice tea and Go for large.
Crew: Sir dun po sa kabila ang Mcdo. Jolibee po ito!
Para akong binuhusan ng arinolang puno ng ihi kinagabihan! Hiyang-hiya ako sa gwapo na crew!
Buti na lang natakpan ng shades ang aking mukha!
Pero aaminin ko! Gusto ko talaga sa Mcdo pero sa sobrang antok hindi ko alam na Jolibee pala napasukan ko! (los palusot!)
Kaya naman, isang malutong na “take out” with matching P.I. ang sinabi ko sa crew nung tinanong nya ko:
Maam, dine in or take out?
























maam ka dyan… feeling mo kasi si wonderwoman ka na kaya mo gawin lahat. kahit si wonderwoman napapagod din. sige ka… lolosyang ka at di ka na magiging mabenta sa mga boys. magbeauty rest ka naman!
salamat sa SHADES na galing sa MANGO~ (sosyal) naitago ang pagkahiya mo, im sure namula at namutla ka at the same time. bwahahhaha.
arte, eh tulog ka lang rin sa office bago ka mag-logout. choze.
etchosera talaga ako noh, matulog kana. pero hanap ka muna ng boys, pagpalakas! hehhe
hala! haha! sabagay.. parehas silang color red =P
Ako rin…
Sa Jollibee…
Ako: 3 Mcflurry (sabay abot ng P60.00)
Crew: Maam?!
Ako in a very dignified tone: 3 Mcflurry!
Siyet, Jollibee pala yun, walang Mcflurry….
Sabay, ngiting pa-cute…
pero ayos lang yan, cute naman eh….
wahahaha. now, im craving for big mac. hmmmm
hahaha naloka ako dun ah…tulog kasi ng tulog eh
Hahaha, nag-enjoy ako dun sa Jolibee incident mo ha! Ano kaya ang naisip ng mga kasunod mo sa pila ng mga sandaling iyon?
Loka ka talaga oy hahaha..sakit kaayo akoa tiyan deri mama sigeg katawa..ayo nalang ay nakahapit ko sa imo mansion..sya segi bisita minsa pag kalugar huh? Mwahhugs bakla!!!
sa sobrang antok at pagod di na namalayan na iba na pala napasukan mo, sigurado ako ang cute ng cheeks mo nung mga time na yun. oisst, pahinga ka naman kasi!
wahahaha, hay lab this true story, hahaha. si ronald ang asa mcdo si jollibee ang asa jollibee; yana ng sasabihin sa yo ng mga little kengkays!
ano bah…ang laki laki mo na indi mo pa kilala ang mascot ng mcdo? san ka ba galing?inutil!
ang mascot ng mcdo ay yung nakapula na kulot ang buhok..pulang lips na parang puta……yung sa jolibee naman eh yung bubuyog na walang brief at kasarian..waahaha..
tandaan mo yan!
Ano ba yun, mareng! Sobrang bangag ka na sa antok! hehehehe!
haha. isang malaking pagkakamali ang ginawa mo. di magkamukha si jollibee at ronald mcdonald. pag pagod at puyat nga talaga.hehe.
bilib ako sa’yo ah, poised ka pa rin.
nangyari sa akin kanina parang ganyan din….
order ako ng chicken steak…
sabi nung asa counter…. ser wala kami nun. chicken fillet meron, steak wala.
nyahahhahah hindi ako nag iisa!
apirrr.. kala ko tapsilog oorderin mo! sang store ka ba? hehehe
ayos! mas malala yan
kc sakin mahilig ako mag order ng happy meal at lagi sinasabi saken na “kiddie meal po ma’am, kiddie meal! ”
amf.
[...] substance dito. Kahit may mga gabing tigang ako, kinagat pa rin nila. Nakisaya rin sila sa mga kapalpakan , bloopers or kagagahan na aking ginawa. May mga times din na super emote ako. Yung tipong naalala [...]