Malakas ang hanging amihan. Nagngangalit, humaharurot. Kasabay ng pagbugso ng hangin at ang pag-ambon ng kalangitan mababanaag ang sikat ng araw na dala’y pag-asa at liwananag sa pusong tigang at uhaw sa init at yakap ng haring araw.
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng orasan, ng mundo sa kanyang aksis.
Mainit na ang umaga. Paakyat na ang araw. Kasabay nito’y paglawak ng kamulatan sa mundo habang unti-unting nagliwanag ang buong paligid. Mababanaag ang larawan ng tunay na buhay. Maraming naghihikahos, nagdadalamhati, hampaslupa at naghihirap. Walang kinakain, walang matirhan, animo’y walang bukas na naghihintay. Bagaman nagsusumikap, patuloy pa rin ang kanilang paglubog, pagbagsak at pagbaon sa putikan samantalang ang iilan ay nakahilata, nag-aaksaya ng salapi, nagpapakabusog at patuloy na nagsasayang sa buhay na biyaya ng maykapal.
Hindi pa rin mapigil ang pag-ikot ng mundo.
Habang umaangat ang sinag ng araw ay ramdam na ang bagsik ng nito. Ang dati’y minamahal sa kanyang gintong silahis ngayo’y sinusumpa sa balat pag dumampi. Hindi na lingid sa lahat ang kanyang paghihiganti. Ang kanyang paghihimagsik sa mga taong dati’y tinulungan nya. Init na nakakahimatay, nakakasulasok at nakakauhaw. Hangad ng lahi ni Adan na may masilungan sa init na dala nito subalit maging ang kalikasan ay sumasabay na rin sa paghihimagsik ni haring araw. Nagbabadya ng matinding takot sa sansinupol. Nagbabadya ng baha, bagyo, pagkamatay at lindol!
Magtatakip silim na.
Umaalingawngaw na ang mga kulisap at ang mga manok ay nagsagutan na sa pagtilaok. Malamig na ang hangin. Palatandaan ng isang mapayapang gabi, mahimbing na pahinga. Subalit heto pa rin ang lahi ni Eba at naghahanap ng pantawid gutom. Sa mga pasilyo at eskinita sila nakapila sa patay-sinding ilaw at tanging kakarampot na tela lamang ang saplot sa katawan. Kawangis nila ang mga palakang bukid na nakikipagharutan sa isat-isa para dumami tuwing takip silim habang lawit ang dila para sa dumadaang kulisap upang magkalaman ang tiyan. Amoy ng pabango at dampi ng iba’t-ibang kulay sa kanilang mukha ang tanging nagpapatapang ng kanilang sikmura at nagpapakapal ng kanilang mukha para masikmura at maitaguyod ang kanilang mga “L” sa buhay.
Hatinggabi na.
Gutom pa rin si Juan. Kasabay sa paglatag ng dyaryong mahihigaan, hangad pa rin ang pag-asa at liwananag na dala ng panibagong araw. Walang kasiguruhan, walang patutunguhan! Tanging pinanghahawakan ay ang natitirang katinuan sa utak na any monument from now ay mawawala rin.
Dadami na naman ang maghahanap kay Basilio at Crispin!
Kung anu-ano na lang naiisip at nakikita ko pag panahon ng el niño! Leche!
























gitubuan q ug itlog binasa sa imo entry oi… hastang lawuma! hehehe very nice entry… grabeh saludo q sa imo ma ingles bisaya ug tagalog two thumbs up!
aba, mare naging makata ka yata?
talent is overflowing,
+tangina lahat nalang ng ginawa mo magaling. tama na nga yan, pasalvage kaya kita? (ingit ang goddess) bwahahha
yan ba ang nagagagawa ng pagpakanton nung bday mo? ang galing! gusto ko rin nyan… hehehe!
napakaganda ng iyong pagkakasulat nito.
mabuhay!
maganda siya at mashadong relevant. ang galing nito.
waw. nagulat ako. parang di ikaw.
astig tagalog naman… pero magaling ka palang mag organize ng iyong nasa isip.. idol!!! napaka catchy.. you got me heheh
Grabe… kung san san ako dinala ng post mo… parang emotional rollercoaster ride ang nangyari sakin habang binabasa ko yun. hindi ko na maintindihan ano ba dapat mafeel eh..dami kasi ng highlight mo Geisha! para tuloy akong tulala after…
nakaka carried away!
http://themiseducationofzapped.wordpress.com
i love your prose-poetry. write more of these stuffs kasi ang galing eh. God bless!
I like this. As in. And the fact na matagal na panahon na akong hindi nakapagsulat sa Filipino sapagkat hindi marami ang nakakikita ng sining sa pagkatha sa wikang ito (at least, sa lugar na kinabibilangan ko sa kasalukuyang panahon), ay mas lalong nagpaigting sa aking paghanga sa iyong katha.
Anyway, I’ll add you to my blogroll. Feel free to visit my site too, bagamat hindi ko maipapangakong kasing-masining rin ang aking mga tala.
Hello,
Blogghopping!
I’m Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
Care to link exchange with that blog of mine?^^,)
Hope you would comment back and that I can know you guys hosted on wordpress.com better.
Looking forward for a mutual blogging friendship^^,)
Ingat,
pinoy teens org CEO
ps: you may also add my ym: i.believe_`11
to date, this is your best post. love ko sya ‘day. will feature this in my blog one of these days (of course may backlink)
naiinlab ako sa mga makata. bwaaaaahahahaha
but really really nice. keep it up. ‘day sikat an sikat ka na talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
wow ang galing….
tapos, ang ganda rin ng mga pictures na ginamit
clap!clap!
kaya ang tagal nakapag-update kasi napakahaba ng susunod na post. hehe
i have to tell you one thing, this post is really good. yeah, i’m serious. for me, this is so far your best post. you can actually win a Palanca award for this post. hehe.
napakaganda ng tema, makabuluhan! naipamalas mo ang pagkamalikhain ng iyong isipan at ang husay mo sa pagsusulat. bihira lamang sa mga bloggers ngayon ang may kakayahang gumawa ng ganitong lathala. haha.
galing! napakahanga mo ko! hehe
huwaw! ang lalim nun ha, i can’t swim.
di nga, this is an exemplary entry! nag-nosebleed ako sa lathalang ito. napakagaling!
gusto ko tuloy mag-El niño nalang. hahah!
mare,ngayon lang ulit ako nagbasa ng mga blogs…buti na lang nakatulog ang mga guardia sibil sa kanilang posisyon…
kaiba ka talaga….ibang iba….
saludo ako sa iyo, girly!
[...] comply with the Blog Action Day. Just a coincidence though. If you want some poverty related post read this entry posted three months ago. That entry may not draft immediate solution to poverty but it did showed the reality of poverty in [...]
[...] super ang isang taong experience ko sa wordpress. Ang daming blogger with substance dito. Kahit may mga gabing tigang ako, kinagat pa rin nila. Nakisaya rin sila sa mga kapalpakan , bloopers or kagagahan na aking [...]