May mga karanasang nais nating kalimutan, nais nating ibaon at higit sa lahat nais nating mabura sa ating kaisipan! Ito ang mga karanasang nagdulot ng matinding sakit, pighati at sugat sa ating mga puso’t damdamin. Subalit may iilang sugat na nagturo sa atin upang lumaban at maging matapang sa buhay, maging mapagmatyag, maingat at dasal na sanay hindi na maulit ang karansang nagdulot nito.
Makailang beses na ring naging takbuhan ng mga taong tinuring kong kaibigan ang aking kwartong inuupahan. Sa twing wala silang matulugan, gustong magkaroon ng karamay sa problema, nagsisimula ng bagong buhay at naghahanap ng trabaho sa Manila. Tinaggap ko sila bilang tao, pinalamon, tinulungan kung pano mag commute, sumakay ng jeep at mrt, at hinatid sa pier at airport. Ang pagkakaroon ng utang na loob ay isang mabuting ugali subalit madalas naabuso ito ng Pinoy at nagiging sanhi ng kasamaan. Wala akong hinihinging kapalit sa tulong ko. Ginawa ko iyon dahil naranasan ko ring mangapa at maligaw sa mga pasikot-sikot dito at higit sa lahat dahil may maitutulong ako. Hindi ko pinagkaila iyon. Saksi ang aking kwartong naging lugar ng iyakan at tawanan.
Subalit may mga taong hayup ang asal. Yung tipong pagkatapos mong subuan, pati siko mo ay kinain. Mga taong pagtalikod mo ay sinisiraan ka at sinasaksak ka ng samurai sa likod. Mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Sa pag-aaral ko ng psychology, hindi na bago sa akin ang ganitong ugali. Laking pasalamat ko na lang na pinalaki ako ng mga magulang ko ng maayos at may takot sa diyos. Pinalaki kaming magkakapatid ng matiwasay at kailanman ay hindi naranasang manggamit ng ibang tao para lang magkalaman ang tyan at mabili ang luho sa buhay. Hindi kami naghahangad ng lechon kung ang nakahain ay tuyo!
Gayunpaman, hangad kong maisip nila na ang kanilang ginagawa ay masama. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Hindi ko man mabago ang kanilang ugali, pinagdarasal ko pa rin na maging totoo silang tao. Hindi ako nagmamalinis at lalong hindi ako nagmamaganda (dahil maganda na ako). I knew from the very start that I can’t please everyone.
Pero sana man lang kung mandaut ka, siguraduhin mong hindi makakarating sa aking tenga ang mga salitang walang katotohanan at pawang pagpapaawa lang para tanggapin ka ng ibang tao.
You just don’t realized the troubles you’ve caused me! And one more thing, kahit ang pagkakaibigan ay pwedeng ring ibaon sa limot!
Your attitude sucks! It belongs to the forest where the basic instict is to kill!

























SIno toh>???
ako ba toh>
alam ko sa manila ako pinanganak, lumaki at namatay (namatay talaga, reincarnated na kc ako) pero hindi ako marunong magcommute, magMRT o LRT. (kase mahal)
pero kung ako man to? wala akong pakealam dahil blog mo toh, RANT mo to,
kaya
inuman tyo later bilis~
bru, ano to? ba’t parang sasabog lahat ng bulkan dito sa pilipinas sa galit mo?
hehehe! ngumiti ka na…. papangit ka nyan. may ganyang experience din ako. hindi ko alam kung pano ko nalampasan yun pero sabi nga ng best friend ko, you learn from it at maging maingat na ulit kahit kaibigan pa.
tara! greenbelt tayo. hehehehe!
sabi nga gumawa ka ng mali may magagalit sayo at kung gumawa ka ng tama may kaaway ka pa rin…san nga dapat?
hirap explain ng buhay!
pero mas masaya pa rin ang tumulong kahit anuman ang kapalit….
god bless..
di nga naman maiiwasan na di mag react sa mga taong ganyan… even if madaling sabihin na di sila dapat pag aksayahan ng inis o galit di talaga maiiwasan gurl… anywayz, masuko man ka or dili WAFA JAPON KA SO PASAGDI SILANG MGA PANGET! muah!
Hwaw. Galit si mam. Nagmamaasim…Alam ko na ang gamot jan friend.Maniwala ka Geisha.. pinanganak tlga ako sa Pasay para lang mabasa mo ang sinulat ko -MISEDUCATION #3: love your “F”-ing enemy. I know makakarelate ka tlga at aantayin ko tlga comment mo at tignan natin kundi mo sasabihing oo nga. Na feel ko rin yan. Masakit db? lalo na yung alam mong mahal mo rin kasi nga kaibigan mo… u feel betrayed diba?
Anyhoo. Alam ko yang mga lagusan na yan sa latest post mo dahil lagi akong lumulusot jan para lng tumawid sa kabilang side ng Ayala. Hmmm… Taga Convergys ka no?
hehehe…
haha, ang tarush ng punchline sa huli. go girl~ n_n