Ang buhay ng tao ay kawangis ng isang tunnel, ng isang underpass. May mga matutuwid, makikipot, madilim, maaliwalas, makulay, mabaho, maligalig at higit sa lahat may mga underpass na animoy salat sa karangyaan ngunit hindi nababagay sa kinalalagyan. Katulad ng isang underpass, ang buhay ng tao ay nagsisimula sa isang lagusan. Lagusan na naging daanan sa lahat ng taong gustong makita ang daigdig sa kabilang dimensyon at butas na naging dahilan ng pagiging sakim, makasarili, makasalanan at pagkakaroon makamundong ugali. Aminado tayong sa bawat paglalakbay, magkahalong emosyon ang ating nararamdaman. May takot na maligaw at madapa. Takot na baka mali ang daan na ating tinahak. Meron din namang excitement. Excitement sa mga posibilidad na pwedeng mangyari sa isang paglalakbay. Paglalakbay na hindi maaring magdala ng kasama. Paglalakbay ng mag-isa, sa buhay na gusto nating marating.
Natuto tayong tumihaya, gumapang, umupo, tumayo hanggang sa natutunan nating maglakad sa sariling mga paa. Nagkaroon tayo ng tapang na gawin ang ating gusto. Ninais nating lumipad at maabot ang kalawakan. Subalit ating napagtanto na hindi pala natin kayang mag-isa. Kelangan natin ang mga taong ating makakapitan sa twing tayo’y nangangapa sa paglalakbay. Kelangan natin ang ating pamilyang naging sandalan sa twing tayo’y may pangamba. Sa bawat hakbang ng ating mga paa, sa bawat pagbaba ng ating mga talampakan, may mga desisyon tayong isinasaisip. Desisyon na nagiging makabuluhan upang tayo’y makalabas sa ating pinasukan. Gaano man kahaba ang mga hagdang ating kelangang malampasan, kayang-kaya ito sa tulong ng isang hawakan upang hindi tayo masubsob, malaglag at mabigo sa ating nais makamit. Nariyan ang ating mga kaibigan, pamilya at higit sa lahat ang poong maykapal na syang nagsilbing gabay kahit gaano pa kataas ang bundok na ating aakyatin.

Subalit may mga panahong wala tayong karamay. Walang matakbuhan sa oras ng pangangailangan. Walang tao na pwedeng lapitan. Kelangan mag-isa ka lang. May mga panahong naunahan tayo ng takot sa ating mga dinadaanan. Mga panahong wala tayong choice kundi ipagapatuloy ang ating buhay ng mag-isa ng walang tulong kanino man. Subalit gaano man kapatang ang ating sikmura, hindi pa rin ito kasiguruhan ng tagumpay.

Tuloy pa rin ang ating paglakbay ano man ang hadlang at pagsubok na dinadaanan. May mga pagkakataong kailangan nating magpahinga, magmuni-muni at tumingin sa ating pinanggalingan. Naroon ang mga panahong tinatakpan ng kadiliman ang lahat na pwede nating mapagkukunan ng lakas. Mga panahong pilit na sinusubok ang tatag ng ating pagkatao at dedikasyong magtagumpay. Pero patuloy pa rin ang ating paniniwala sa ating sarili.
Gayunpaman, tuloy pa rin ang laban. Magkahalong emosyon ang ating nararamdaman. May takot at excitement. Makipot at minsan madulas ang ating nilalakaran. Walang ibang malusutan kundi tanging dulo lamang nitong paglalakbay. May panahong may biglang susulpot sa ating harapan at pilit tayong tinutukso para mabitawan ang ating pinanghahawakang lakas. Lakas na syang tanging sandigan upang malampasan ang mga hadlang. May mga pagkakataong liko-liko ang ating madadaanan. Dito tayo nagkaroon ng takot at pangamba. Takot na sa biglang liko ay bka hindi natin maipagpatuloy ang ating nasimulang landas. Sa biglang liko, maari tayong madapa, masaksak, mahulog o di kaya’y mabuntis. Gayunpaman, kailangang panindigan natin ang bawat desisyon na ating gagawin..
Ilang beses man tayong madapa at tumayo sa kinalulugmukang putikan, ugali nating mga pinoy na tanggapin ang kalagayang nakatadhana sa atin. Pero patuloy pa rin ang ikot ng bola. Gaano man kahirap ang buhay, tumaas man ang lahat ng bilihin, maging positibo tayo sa ating pananaw sa buhay. Ang importante, pahahalagahan natin ang kung ano man meron tayo. Gawin nating sandata ang mga karanasang nagpaiyak sa atin. Ang mga karanasang muntik ng magpasuko sa atin upang ipagpatuloy ang buhay..
After all, there’s always light after the tunnel. Unless that tunnel has dead ends!

























seryoso naman kau ganunay tema sa imong entry hehehe Happy weekend!
ayokong isipin na wala akong kasama sa tunnel na tinatahak ko. basta…. epekto ba to ng pagtaray natin? hehehe!
basta ako masaya na ko kung may butas sa kabilang dulo ang tunnel. mahirap kung sa hinbahaba eh dead end pala.
STELLAR PERFORMANCE MARE~
enough said!
napakalma ako ng post mo mare, aatakihin na sana ako sa puso pero buti nlang binasa ko toh,
what if the light at the end of the tunnel is the headlight of an approaching train? tigok! ehehe.
isa na naman itong makabuluhang post. nakakapanindig balahibo. magaling!
*clap clap*
napaka makata naman nito… make sense kayo very serious…
hehe… another masterpiece. btw, i’m not a psychology major. trip ko lang na mag-take ng personality tests that week. English major po ako.
seryoso man oi.. pero hadlok man pud ta mglakaw mag isa sa tunnel basin naa mumu.. :]
mukhang walang tao sa tunnel mo.
for some reason, natatakot ako dumaan sa ayala tunnels.
nagkakataon kasi siguro na tuwing napapadaan ako, kahit na rush hour, parang konti o walang tao…
o baka meron…
hindi ko lang nakikita….
awooooo!
ang galing mong magsulat….
ganda ng pagkalalim at mga segue ng tunnel sa life huh!
well at least di ba anumang pasikot-sikot at chenez na pinagdadaanan natin, along the way ay alam naman natin na may nakakasalamuha at umaagapay sa ating paglalakbay.
there’s always a light after the tunnel.. goodluck na lang kung tunnel ng train napasukan mo.. hehehe..
hehe..tikman talaga eh noh..uy, batiin moko sabahay ko..
hi geisha…buti at walang sumita nang kunan mo ng pics ang paligid ng underpass!
take care po.
very well said! hehe.
parang ala akong masabi. wala akong mai-comment. LOL.
eto na lang, ok ang materyal na ginamit mo sa post na to. iniisip ko nga ring magsulat tungkol sa tulay. haha
natatawa ako sa salitang “tunnel” pag galing sayo. hehehe
AMINADO AKONG MASARAP KAPAG IKAW AY NASA TUNNEL NA MADILIM, LALO NA PAG KASAMA MO LAMANG ANG GIRLFRIEND MO AT WALANG IBANG TAO KUNDI KAYO LANG DALAWA. soooo saraaaaaaaap!
Kaso ang problema, ang mga tunnel sa Maynila, particularly in Lawton e ang papanghi! Siyet! Parang matatae ako sa sobrang baho. Buti pa iyang tunnel na nasa larawan, malinis! Akala ko tuloy sa Singapore iyan.
*applause*
speechless ako dun ah. xD
daan ka rin sa aking palasyo.
salamat!
linked u up already
siryus mode ulet? hehe.. dami ko naiisip habang binabasa ko to.. Galing!
Nosebleed ako sa lalim… ng tunnel! Hehehe….
Akala ko kung anong kahalayan na naman ito, serious entry pala…
Nag-iingat akong buksan ang blog mo dito sa office eh, kasi baka kung anong picture naman ang i-post mo at makita nila rito, baka maa-issue-han ako ng written warning… hahaha!
Seriously, it is a good thing that we sometimes reflect on our own long plight… That make’s life worth living…
Sabi nga ng mga pilosopo:
I think, therefore I exist. – Rene Descartes
Know thyself. – Socrates
Tama na to. Baka mapagkamalang blog entry sa haba….