Nung bata ako, alam ko na na hindi ako straight.
Nung nasa elementary ako, alam ko na hindi ako sing-tapang nga mga klasmet kong nakikipagbasagan ng bungo!
Nung nasa high school ako, nagsimula na akong maglandi, magkagusto, at magkaroon ng pagnanasa.
Pero hindi pwede, kelangan unahin ko pag-aaral ko bago ang boypren. Bago ang kalandian.
At nalampasan ko rin lahat.
Nung college ako, dumarami ang mga gwapo! Lumalawak ang tingin at standard ko sa physical attractiveness. Hindi lang looks ang inuuna ko pati package!
Naging mature na ang pag-iisip ko. Naisip ko handa na akong mag boypren. Pero hindi pwede dahil kelangan kong tapusin ang psychology at gawin ang trabahong nilaan ng tadhana para sa akin sa unibeersity!
Nag sour-graping na lang ako! Sabi ko sa sarili ko, dadagsa din yang mga boys na yan parang langgam pag may career na ako!
At ngayon, taong dalawang libo at walo. Bente dos na ako.
Hinanap ko ang kasagutan ng mga denials ko!
Ngayong may pang vanity na ako, stable na trabaho at sariling place, nasan na sila?
Hanggang kelan ako maghihintay? Pag ulyanin na ko?
*hindi po ako desperada, nagtatanong lang pow!
























alam mo bang iniisip ko pa lang na dalawin ka tapos nung pagpunta ko sa blog ko e nauna ka pang bumisita, hahahaha
alam mo, darating din yan. meanwhile, stay kyut and keep your vanity and your stable trabaho at sariling lugar… pramis yan.
darating rin ang right partner para sa iyo geisha
Mare. 22 ka palang, pero naranasan mo na ang saya, ang sakit, ang galit at ang HAPDI (inuulit ko! ang HAPDI heheh) ng relasyon. pero ako 67 na pero wala pa rin,
tuloy mo lang ang laban. at ang pagtitiis sa Hapdi.
i cant wait na makita yung effect ng vanity mo. bilis.
putcha gaganda kana nman sakin ng 40 points.
life is unfair.!
22 ka palang pala… wait wait lang malay mo andyan na magiging boypren mo…
Actually ako ata una nkabasa nito pagpost kagabi kaso antok nako at mabagal yung server.
Tama si BADoy… darating din yan..
22 ka pa lang pala?
ako sawa na sa relasyon…iwan ko ba..pero darating din nga ang dapat sau…
ang impt eh makaraos ang..
libog..
ha ha ha ha..
hahha! maghintay ka lang at darating ang para sa iyo… sana lang magmadali na siya.
hehe, makakahanap ka rin po!
hintay lang. xD
pakiboto naman po ako sa idol blog. xD
may link po sa blog ko.
idol blog? anong idol blog?
anyhooo- lalo ka lang mastress pag lagi kang naghihintay. expect less
yan mare… kasi pagnagboboy hunting ka hindi mo ako sinasama… yan yan… lukaret! 22 ka pa lang… mamangka ka muna at tumambay dyan sa kung saan dumadaan ang mga gwapo… hawak ka ng yosi na parang maldita at magsmile na parang pakipot… yan…. siguradong makakabingwit ka…
pero bata ka pa! enjoy muna! hinihintay ko pa yung libre mong kape sa manhattan…
yeah, ewan ko ba ang wird ng sense of humor ni god.
hahahahah!!! hintay ka lang kasi…
malay mo, artista….
model….
pulitiko…
architect….
lawyer….
o baka naman, babae siya? anung gagawin mo?
uyy, salamat nga pala sa pagboto.
darating din si right one pra sayo. ;D
ay, ka-age pala kita. apir!
it pays to wait… saka mas ok na ang single na happy kesa miserable na double.
ano daw?!
masarap daw ang single? o sour-graping lang?
wahaha.
don’t worry, geisha.. wait ka lang.
darating na din yun.
naiwanan lang ng tren.
ehehe.
single? since birth? weh?
wow, winner entry; very insightful
naisipan kong i-visit ang blog mo tas nabasa ko to,
tama ka, hindi ka naman sawor greyping e hehe
kaso naisip mo lang na bakit nga single ka pa
ang hirap mag antay no?
habang inaantay lalong tumatagal.
minsan din wala naman kung may pera ka o wala e.
malay mo dba?