Isang taon na pala ako sa wordpress.
Parang kelan lang nung una kong sinulat ang sample post ko dito. Illiterate pako nung time na yun. Walang alam sa dashboard ng wordpress kaya manual kong tin-ransfer ang mga post ko from blogspot to wordpress. Pa demour pa ‘ko nun. Akala ko walang babasa ng post ko. Umabot rin ng isang linggo bago nagkarun ng comment ang blog ko. Ang saya-saya ko nun. Feel ko ang ganda ganda ko! lol Hanggang sa umabot na ng sampu ang nasa blogroll ko. Tuwang-tuwa pko pag may nakita akong bagong comment. Kahit nasa spam inaaprov ko para lang dumami.. (joke)!
Pero the experience of having friends all over the solar system because of blogging is incomparable. I was able to tell people what i had in mind on certain current issues, be it in universal, international, national, local or personal. People also started to notice that my blog is not at all about gayness and chupaan (sorry for the word). At least i had imposed an impression that i am a gay with essence, substance and wit. chozz (sheeett naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni bro utoy.. yung tipong virginal daw! parang urinal lang.. in short parausan! at least hindi palikuran..hahah) Pero minsan, hindi ko pa rin napipigil ang inherent qualities ng pagiging geisha. Yung tipong malandi, maharot at balahura. Kaya nung nakahithit ako ng baygon, tinodo ko na ang pagpost ko ng hubad. Kahit may ilang member ng PETA at WWF na nagalit sa pambaboy ko keri lang. Kasi nga bangag ako nun!
For a year in wp, mailap ako sa mga bloggers na gustong makipagkita sa akin. It’s not that i’m not friendly (i am friendly pero hindi lang halata), its just that i’m not that sociable (but i dont have imaginary friends huh). Pero i can’t believe i’ve met some of the wp pinoy bloggers whom i admired. Nakita ko ang miss bacolod at ang miss davao. Heheheh
Pero super ang isang taong experience ko sa wordpress. For a year, 57,206 na ang nahada ko. Joke! I mean and visitors ko! BAd ka! Ang daming blogger with substance dito. Kahit may mga gabing tigang ako, kinagat pa rin nila. Nakisaya rin sila sa mga kapalpakan , bloopers or kagagahan na aking ginawa. May mga times din na super emote ako. Yung tipong naalala ko yung unang iyak ng pamilya, nung akoy nawalan ng isang matalik na kaibigan at nung nag fe-feeling homesick ako.
Pero may biglang nag flashback sa memory ko.
November yun nung nagkaroon ako ng tapang na magtaksil sa blogspot at lumipat dito. Halos araw-araw pko magpost nun. Palibhasa wala akong magawa sa buhay kundi magpost ng forwarded email at magkwento ng kalandian. Daming memories. Daming first and last experience. Daming luhang dumaloy sa marupok kong kamusmusan. Mga unang tikim. At yun na pala ang huli.
Isang taon na rin nung naghiwalay kami ni Gary. Ng pesteng Gary na yun. (bitter?) Pero i’m a better man now. (man?lol) Hindi na ako open to any proposals for now. Not even to relationship (i insist one more time “FOR NOW”). Kaya cgro ngayon naiintindihan na ako ni Clio kung bakit ganun na lang kamanhid ang aking bilat sa mga paasang lalaki na yan.. Chozzz~~ HIndi naman ako pinaasa, pinangakuan lang naman ako ng araw, buwan at bituin. Kung tutuusin, hindi dapat ako naniwala. Alam kong imposible iyong mangyari. Kahit gaano man kaliwanang ang araw, dadating at darating din ang gabi. Ang buwan kahit gaano man kaganda, hindi naman sha laging fullmoon pag pumapagitna sa kalawakan. Minsan half at quarter pa! Minsan nga solar eclipse pa eh! At ang bituin ay magiging bato at buhangin na anytime ay pupuwing sa mata mo punyeta ka! Yun nga ang nangyari! There was even a time na napag-usapan namin ang kasal. Tuwang-tuwa naman ako. Wlang paglagyan ang pwerta ko sa tuwa! Lasing lang pala ang punyeta kaya nagtext ng ganun. Nung sumunod naman sabi nya mag-aampon daw kami para may direksyon ang buhay namin. Sabi ko sa kanya pag-iisipan ko. Nagtampo ang putah! Yun pala may nabuntis pala sha 3 years ago at gusto nyang kunin ang anak nya! Anong akala nya sa akin yaya? Di ba? Di ba? huhuhuh (chozz)
Pero kinalimutan ko na yun. Nakapagtirik nko ng kandila for that experience. And hopefully, as i proceed for another year here in wordpress, i want it more memorable and i want it a venue for personal growth and maturity. And hopefully may magregalo sa akin ng bagong laptop sa pasko at may magsponsor ng dot com
Harinawa!
























naku mare congrats sau at nauna aq sa greetings! yipee! i miss u and clio… sory sa last meeting tulala ang lola but anywayz, thanks for everything… malay mo madadalas na pagkikita natin (soxal!) pina-cancel q classes q di naman aq makatulog haaay!
a month ahead k lang pala sakin!
december naman aku…
malapit na rin un…
ninong ka ng wp ku ha?
hahahaha!!!!!!!!
akala ko naligaw ako kasi kanina sa blogspot ako nakacomment.
Happy WP anniversary!
Heypi WordPress day!
you are indeed “a gay with essence, substance and wit”, taray, pang ms. universe. keep it up dayyy! and keep enjoying the wordpress experience. mwaaaah
huwaw!
happy anniversary! hehe.
por syur, mas dadami pa mahahada mo, este bibisata pala sa blog mo. hehe.
many blogging years to come, jeff!
hehe, sabi ko na nga ba eh, matatagusan ka dun sa usapan natin nila honey, (tagos? parang regla lang?
anyway, mare. happy anniversary. and i feel something special sayo this december and the coming year. kaya greet narin kita ng merry christmas tsaka happy new year, sama ko na happy valentines and happy mother’s day.
ganyan talaga ang life may mga taong sumusubok sa iyong katatagan. pero at least di ba masasabi mo rin na kahit papaano may mga happy moments kayo (kahit segundo lang) na talagang nagpa-wow sa iyo.
yang lalaki na yan ngayon ang nagmo-motivate sa iyo ngayon at one (great?) factor para ma-define ang iyong pananaw sa life…
anyway, marami naman natuwa sa mga nahada (visitors) mo… in a way na-touch mo ang muwang namin sa ilang aspect ng aming life. yun ang masaya…heheh
parang dami kong errors.. dito heheh. ganyan talaga ako pag atat mag-type hehe. chorrii
segunda – segundo
muwang “naman” – namin
just been reading your blog for two months. i love it! congratulations on your first anniversary at wordpress!
Jeff,
Happy WP anniversary! Here’s to more posts of substance, humor and wit!
(O ayan, simple na para di ka magkanosebleed. hehehe…)
nice.. mahusay kang blogista kaya deserve mo pa ang mahabang WP experience. isa ka ata sa pinaka aabangan ng lahat tama?
Ako din pala! Wiiii!
antaray! “geisha with a purpose”! parang miss world lang. ahihihihi.
well, mare, kahit na nasaan ka pa, ke wordpress o press powder pa yan, for sure marami pa ring mag-aabang ng bawat post mo. just keep it up (?). ahihihihi. happy bday to ur wordpress blog!!!!!!!!!!
Hi jeff! Happy anniversary! ayune parang tayo ah, toinks! What i mean is happy WP anniversary.
Bago palang ako sa blogosphere eh, kakastart ko last few months ago, kaya wala pang 1k ung bwisitors ko, hehehe..
Cge, keep on posting substantial, humorous and bitter este better entries.
Kampai!
sabi ko na nga ba late na naman ako dito. leche! happy anniverary, mare! mwah! usap na lang tayo later kung san natin icecelebrate itong aniv mo…. yaan mo na si Gary… manlalake tayo at from a distance lang natin ienjoy. waaahhh! parang bitter ako. anyway, i miss you mare and i wish you all the best in life because you deserve it. (drama!) o nasan na ang isang case?
happy WP anniversary sayo. hehe. medyo matagal-tagal ka na rin pala sa WP. ako nag-1 year na isa kong blog nung september. pero yung tambayannilex sa january pa ang anibersari. sana lang umabot pa sa january yun. lols. anyways, congrats kasi nakaabot ka na ng 1 year dito. woohoo!
Happy WP Anniversary Geisha!!! =) Thanks for visiting my blog! =) kahit wala namang kwenta mga nakasulat don… I really appreciate it. =) Wish ko lang makasulat din ako ng tulad ng pagsusulat mo… wala talaga kong talent sa pagsusulat kasi… Again, happy anniv! Kampai!
happy anniv sa iyo at iyong fabulous na blog!
parekoy.. gaya ng sabi ng lahat.. Happy WP Anniversary! hehehe san kayo mag di-date? (korni) nyahahahaha..
btw, naalala ko rin yung mga panahong nagliligawan pa kami ng wordpress. para akong adik na nagpapaparty pag may natanggap na comment.. at ito pa sapilitan ang paghingi ng comment sa mga kuripot kong classmate “Para comment lanG!”
naalala ko din na pati spam.. inaaprove ko nyahahha..
congrats uli ha.. more hada to cums.. nyahahhahaha..
wow iba pala talaga ang nagagawa ng pagblo- blog no.. nag sisimula pa lang uli ako, sana maka one year din ako at mas madami pang yr!! anyway, congratulations!!! post ka palagi, ni- link na kita ^^
thanks for sharing and inspiring me ^^ and to all of the other blogger in the world.
Hi Geisha!!!
Was just browsing over the internet to look for trivia for christmas para sa ofis party namin. As luck would have it…i found your blog!!!
First, let me say congratulations kc ang ganda talaga ng blog mo and happy anniv na rin. Second, more…more..more posts please….. Third, you’ve shown the kind of humor that Pinoys are and should be known for…witty and funny pero intelligent and sagacious…More power!!!
Don’t worry di ko ipapamalita sa boss ko toh…Cause if I do..grabe di malalalaman nya na nagbababad ako sa internet instead of working!!!! Hahahaha. Pero kasalanan naman nya kung bakit nahanap kita di vah??
Di nga…kidding aside..ur posts are nice, entertaining, delightful and educational… So again keep up the good work!!! Will surely come back again and again…